English, asked by ashmendoza611, 1 month ago

mga kaugnayan sa salitang globalisasyon?​

Answers

Answered by XxArmyGirlxX
71

Ang mga salitang may kaugnayan sa globalisasyon ay nasa ibaba.

- teknolohiya

- daigdig

- pagsasama-sama

- global

- multinational

Ang mga salitang iyan ay may kaugnayan sa globalisasyon dahil sa kahulugan ng salitang globalisasyon. Narito ang kahulugan nito:

Ang globalisasyon ay ang lumalawak na pagsasama-sama ng buong daigdig. Ang konsepto ng globalisasyon ay naglalahad kung paano nagiging isa o global o pang-buong mundo ang mga bagay na dati’y tiyak lamang sa isang lokal na lugar.

Ang epekto ng globalisasyon ay maaaring maramdaman sa iba’t ibang mga bagay kagaya ng ekonomiya, kultura, teknolohiya, batas, turismo, komunikasyon, kalakalan, kaalaman, kapaligiran, aliwan, at marami pang iba.

Ang halimbawa ng globalisasyon ay ang paglipana ng mga multinational na korporasyon sa Pilipinas, paglaganap ng mga produkto na galing sa ibang bansa at gawa ng mga taga-ibang bansa, ang paglaganap ng mga pagkain na galing sa ibang bansa, ang kaalaman ng mga Pilipino tungkol sa mga balita at kaganapan sa ibang bansa, ang paggamit ng internet kung saan nagiging daan ito upang magkaroon tayo ng kaalaman tungkol sa kultura at balita ng ibang mga bansa, at marami pang iba

Similar questions