History, asked by Babeng, 7 months ago

Opinyon tungkol sa edukasyon sa bagong normal.​

Answers

Answered by bhavanij0705
40

Tayo ay maglulunsad ng isang komprehensibong Learning Continuity Plan (LCP) na tutugon sa mga hamon kabilang ang mga kinakailangang pagsasaayos sa kurikulum, pagkakahanay ng mga materyales sa pagkatuto, at karampatang suporta para sa mga guro at magulang.

Habang sinusugpo pa natin ang hindi nakikitang banta, patuloy tayong magiging matatag sa paghahatid sa publiko ng katotohanan at wagas na paglilingkod upang sugpuin ang maling impormasyon at pagkakahati-hati.

Marami pang gawain ang dapat na harapin. Hindi ito ang oras upang magpalaganap ng takot, pag-aalinlangan at poot dahil ito ang panahon upang magkaloob ng pag-unawa at pagmamahal. Sa hanay ng Kagawaran, ipinangangako namin ang patuloy na paghahatid ng abot-kaya, dekalidad, mapagpalaya at ligtas na pangunahing serbisyo sa edukasyon sa panahong ito.

Similar questions