Paano ko maipakita ang pagmamahal, pagtututlungan at pananampalataya sa aking
pamilya sa pagharap sa mga hamon sa buhay lalo na sa ating kinaharap ng "Pandemic
crisis” o “COVID 19" ngayon?
Answers
Answer:
Maraming bata ang nakarinig na tungkol sa virus o nakakita ng mga larawan sa TV ng mga taong nasa
ospital o nagsusuot ng mga mask. Para sa mga bata, ang hindi pagsasalita tungkol sa virus ay maaaring
makapagpataas pa sa kanilang pagkabalisa at pakiramdam ng walang katiyakan kaya nakakapagbigay
ang pakikipag-usap sa iyong anak ng oportunidad na suriin ang kanilang mga tanong at nararamdaman
at magbigay ng totoong impormasyon at kapanatagan.
Magkaroon ng kabatiran sa iyong sariling pagkabalisa.
Tumitingin ang mga bata at kabataan sa mga nasa hustong gulang sa kanilang mga buhay para gabayan
sila sa kung paano tumugon sa mga pangyayaring nagdudulot ng pag-aalala at stress. Kung alam mong
nakakaramdam ka ng labis na pagkabalisa o pagkaalarma, malamang na ngayon ay hindi ang
pinakamainamn na oras para talakayin ang virus kasama ang iyong anak dahil maaari nilang mapansin
ang iyong pagkabalisa na siyang makakaapekto sa kanilang nararamdaman. Sa halip, pamahalaan muna
ang iyong sariling stress/pagkabalisa, huminga nang malalim, humingi ng suporta mula sa ibang nasa
hustong gulang sa iyong buhay, at pagkatapos ay muling makipag-ugnayan sa iyong anak tungkol sa
kaniyang mga tanong at nararamdaman. Tingnan ang Mga FAST Tip sa Pamamahala ng Pagkabalisa dahil
sa COVID-19 bilang mapagkukunan para sa mga nasa hustong gulang.
Obserbahan ang mga palatandaan mula sa iyong anak at magbigay ng kapanatagan.
Imbitahin ang iyong anak na sabihin sa iyo kung ano ang maaari na niyang narinig tungkol sa
coronavirus, at kung ano ang nararamdaman niya tungkol dito. Maaaring may nabuo nang sariling ideya
ang mga bata tungkol sa kung ano ang nangyayari o nakarinig ng mga bagay mula sa mga kaibigan, na
nagdudulot ng pagtaas ng kanilang pag-aalala at pagkabalisa. Gumamit ng tapat pero maingat na wika.
Huwag gumamit ng mga salitang nagdudulot na mag-isip ng mga nakakatakot na bagay tulad ng
“kamatayan”, “nahihirapang huminga”, at “mataas na lagnat”. Gumamit ng mga salitang tulad ng
“maaaring sobrang magkasakit ang ilang tao dahil dito”, “pakiramdam ng ilang tao ay hindi nila mahabol
ang kanilang hininga”, atbp. Ang layunin mo ay magbigay ng kapanatagan na sila ay ligtas batay sa mga
tanong at nararamdaman nila na maaaring ibahagi nila sa iyo sa mga salitang tumpak at madaling
intindihin.
Magtuon sa ginagawa mo para manatiling ligtas na may kontrol.
Ang isang mahalagang paraan para ipanatag ang loob ng mga bata ay ang pagdiin sa mga pag-iingat para
sa kaligtasan na isinasagawa mo. Bilang halimbawa, maaari mong ipaliwanag na ang virus ay dulot ng
mikrobyo, tulad ng sa karaniwang sipon, at na ayaw ng mga mikrobyo sa tubig na may sabon at sa
pagkukuskos nito. Isa itong paraan ng pagpapakilala sa kahalagahan ng paghuhugas ng iyong mga
kamay. Gayundin, huwag kulitin ang iyong anak tungkol sa paghahawak niya ng mukha o maging kritikal
COVID-19: Patnubay sa mga Magulang para sa
Pakikipag-usap sa mga Bata tungkol
sa Coronavirus
Inilabas ang bersiyong ito noong 03/21/2020. Maaaring itong ma-update
kapag may bagong patnubay.
Mangyaring bumisita sa www.chicago.gov/coronavirus para makita ang
pinakabagong bersiyon.
kapag nakalimutan niyang hugasan ang kaniyang mga kamay dahil maaari nitong pataasin ang kaniyang
pagkabalisa at magdulot ng kaniyang pagiging masyadong mapagbantay. Sa halip, maaari mong tingnan
ang paghuhugas ng kamay bilang isang gawain na magkasama niyong sinasanay gawin bilang isang
pamilya - gawin ito para mag-ensayo at hindi para maging perpekto!
Maging angkop ayon sa paglilinang.
Kapag mas matanda ang bata, mas naaangkop na magbigay ng higit na detalye. Ngunit, sa
pangkalahatan, huwag kusang magbigay ng masyadong maraming impormasyon, dahil maaaring
masyado itong mabigat. Sa halip, subukang sagutin ang mga tanong ng iyong anak. Gawin ang lahat ng
iyong makakaya para sumagot nang tapat at malinaw. Walang problema kung hindi mo masasagot ang
lahat dahil ang pinakamahalaga ay ang pagiging nariyan para sa iyong anak at pagbibigay ng
kapanatagan. Kailangan ng mga napakaliit na bata ng maiksi at simpleng impormasyon at kapanatagan
na sila ay ligtas at ligtas din ang mga taong mahalaga para sa kanila. Maaaring tanungin nila:
“Magkakasakit ba ako?” o “Mamamatay ba si lolo/lola?” Lubos na nakakapanatag ng loob ang
pagpapaliwanag ng iba’t ibang hakbang na isinasagawa ng iyong pamilya at komunidad dahil
binibigyang-diin niyo ang mga bagay na may kontrol tayo. Kung mas malaki ang iyong anak at hindi mo
alam ang sagot sa mga tanong niya, maaari kang magboluntaryong pumunta kayo nang magkasama sa
isang sanggunian ng maaasahang impormasyon para matuto pa. Halimbawa, ang
www.chicago.gov/coronavirus (CDPH) at www.cdc.gov/coronavirus (CDC)
Iwasan ang wikang maaaring manisi sa iba at magdulot ng pagpapahiya.
Ipaalala sa iyong anak na walang may kasalanan sa bagay na ito. Ito ay isang bagay lamang na pami
Explanation: