History, asked by ashleyarmy, 4 months ago

paano lumaganap ang islam

Answers

Answered by ramoseyah
1

Answer:

Dumating ang Islam sa Pilipinas mula sa ika-13 hanggang ika-16 na siglo. Hindi matiyak kung kalian dumating ang Islam sa Sulu Ayon sa mga tarsila, salaysay ng mga angkang makahari noong ika-13 siglo, mayroon nang mga pamayanan ang mga dayuhang Muslim sa Lupa Sug(Jolo). Isa na rito si TuanMasha'ka iminulat niya sa kanyang pamilya ang tradisyong Muslim. Siya ang nagsimula ng pananampalatayang Islam sa Jolo na dating Lupa Sug. Dumating sa Jolo noong 1380 si karim ul'Makhdum, higit siyang pinaniniwalaan batay sa mga tarsila. Dahil dito, maraming katutubong nahikayat sa pananampalatayang Islam. Siya ang nagpalakas nito sa mga pamayanan ng mga dayuhang Muslim sa Sulu. Noong ika-14 na siglo, dumating sa Jolo si Raja Baguinda, isang prinsepeng galing sa Menangkabaw sa Sumatra. Pinamunuan din niya ang pananampalatayang Islam sa Jolo. Si Sharif Kabungsuan naman ang nagpalaganap ng Islam sa Mindanao. Siya ang nagdala ng Islam sa Buayan mula sa Cotabato. Sa pagtatapos ng ika-16 na siglo, naging bahagi na ang Maguindanao ng Islam. Mula sa lugar ng Cotabato, lumaganap ang Islam sa iba pang bahagi ng Mindanao. Umabot ito sa Look ng Saranggani, Golpo ng Davao at hanggang sa baybayin ng Hilagang Mindanao, nakalaganap ang islam sa pilipinas sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan at nag-asawa sila ng mga katutubong Pilipino.

Similar questions