History, asked by jeweldtbln, 4 months ago

paano nagbago ang antas ng lipunan sa china noong panahon ng zhou​

Answers

Answered by animaefun567
1

Answer:

Ang Dinastiyang Zhou (Tsino: 周朝; pinyin: Zhōu cháo) (1112–256 BK) ay isa sa mga dinastiya sa kasaysayan ng Tsina. Nagsimula ito nang natalo ang mga Shang ng mga Zhou (Chou). Itinatag ang Dinastiyang Zhou na namahala sa loob ng 900 taon, pinakamahaba sa lahat ng dinastiya. Sa panahon ng Zhou, lumitaw ang piyudalismo. Ito ay sistemang pampolitika na nagbigay ng kapangyarihan sa mga aristokrata o pyudal na panginoon sa mga lupang pag-aari ng hari. Bilang kapalit kailangang maging tapat ang mga pyudal na panginoong maylupa sa hari. Dito rin umiral ang Ginintuang Panahon ng Pilosopiya na pinangunahan nina Confucius at Lao-tzu. Kahit maraming digmaan sa dinastiya, masasabing sa panahong ito maraming pag-unlad ang naganap. Sa panahong ito, natutunan ang pag-araro at pagamit ng matutulis na sandatang yari sa bakal. Napaunlad din ang irigasyon para sa patubig ng mga pananim. Ang mag-amang sina Wu Wang at Ch'eng Wang at ang kapatid na duke ng una ang tatlong bayani na kinikalala ng mga Zhou.

Similar questions