English, asked by harveysalvador2004, 5 months ago

Paano nagiging mabisa ang pangangatwiran? ​

Answers

Answered by venkatalakshmi0501
3

How To Prepare Handouts

"Sapat na Batayan ang Kinakailangan

Upang Tunay na Katotohanan ay Maipaglaban,

Sa Magandang Pakikitungo ng Nagtutunggalian

Makaiiwas sa Gulo At Pagkakasa

PANGANGATWIRAN

- Ito ay isang pahpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang panukala ay maging katanggap - tanggap o kapani-paniwala. Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ang kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag. (- Badayos)

- Sa pangangatwiran, ang katotohaanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng mga katwiran o rason.

(- Arogante)

- Ang pangangatwiran ay isang sining sapagkat ang paggamit ng wasto, angkop at magandang pananalita ay makatutulong upang mahikayat na pankinggan, tanggapin at paniniwalaan ng nakikinig ang nangangatwiran.

- Ang pangangatwiran ay maituturing ding agham sapagkat ito ay may prosesong dapatisaalang-alang o sundin upang ito ay maging mahusay at matagumpay, lalo na sa formal na pangangatwiran gaya ng debate.

- Ang pangangatwiran ay isa ring kasanayan dahil ang kahusayan ay maaaring matamo n imo man subalit hindi sa paraang madali at sa maikling panahon lamang.

DAHILAN NG PANGANGATWIRAN:

1. upang mabigyang - linaw ang isang mahalagang usapin o isyu.

2. maipagtanggaol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa kanya.

3 Makapagbahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao;

4. Makapagpahayag ng kanyang saloobin

5. Mapanatili ang magandang relasyon sa kanayng kapwa

KASANAYANG NALILINANG SA PANGANGATWIRAN

1. Wasto at mabilis na pag-iisip

2. Lohikong paghahanay ng kaisipan

3. Maayos at mabisang pagsasalita

4. Maingat na pagkilala at pagsusuri ng tama at maling katwiran

5. Pagpapahalaga sa kagandahang asal gaya ng pagtitimpi o

pagpipigil ng sarili at pag-unawa sa mga karaniwang

inilahad ng iba o pagtanggap sa nararapat na kapasyalan.

URI NG PANGANGATWIRAN

1. PANGANGATWIRANG PABUOD (INDUCTIVE REASONING)

Nagsisimula sa maliit na katotohanan tungo sa isang panlahat na simulain o paglalahat ang pangangatwirang pabuod. Nahahati ang pangangatwirang ita sa tatlong bahagi.

a. Pangangatwirang gumagamit ng pagtutulad. Inilahad dito ang magkatulad na katangian, sinusuri ang katangian, at pinalulutang ang katotohanan. Ang nabubuong paglalahat sa ganitong pangangatwiran ay msasabing pansamantala lamang at maaaring mapasinungalingan. Maaring maging pareho ang pinaghahambing sa isa lamang katangian subalit magkaiba naman sa ibang katangian.

b. Pangangatwiran sa pamamagitan ng pag-uugnay ng pangyayari sa sanhi.

Nananalunton ito sa paniniwalang may sanhi kung kaya nagaganap ang isang pangyayari.

c. Pangangatwiran sa pamamagitan ng mga katibayan at pagpapatunay. Napapalooban ito ng mga katibayan o ebidensyang higit na magpapatunay o magpapatutuo sa tinutukoy na paksa o kalagayan.

Halimbawa ng Pabuod na pangangatwiran

Pabuod (inductive reasoning) - Ang pangangatwirang ito ay nagsisimula sa maliit na halimbawa o katotohanan at nagtatapos sa isang panlahat na suliranin. May tatlong paraan ang ganitong uri ng pangangatwiran:

Ang Pag-uugnay ng Pangyayari sa Sanhi. Bawat pangyayari ay may sanhi. Ang pangangatwiran natin ay nagsisimula sa mga sanhi tungo sa bunga o ang patumbalik nito. Ang ating konklusyon ay isang pahayag na ang isang pangayayri'y bunga ng isa pang pangyayari.

Halimbawa:

Ang pagmamatuwid na kaya hindi nakapasa sa pagsusulit ang mag-aaral ay sapagkat hindi siya nagbalik-aral.

Gumagamit ng Pagtutulad. Inilalahad ang magkatulad na katangian, sinusuri ang mga ito at dito humahango ng konklusyon. Ang konklusyon sa ganitong pangangatwiran ay masasabing pansamantala lamang.

Halimbawa:

Magtayo tayo ng kooperatiba sa ating kolehiyo sapagkat ang kolehiyo sa Kabanatuan, sila ay may kooperatiba at malaki ang napapakinabang.

Ang pagmamatuwid na si si Miss dela Cruz ay mabuting guro sapagkat ang ama't ina niya ay mahusay ring mga guro.

Gumagamit ng Katibayan at Pagpapatibay. Ang pagmamatuwid ay nanghahawakan sa mga ebidensya, katibayan at patunay.

Halimbawa:

Ang pagmamatuwid ni Lucio ang salarin sapagkat sa kanya ang nakuhang sapaang tsinelas sa tabi ng bangkay. Kay Lucio rin ang buckle ng sinturong siyang ipinamalo sa namatay na natagpuan sa di-kalayuan sa lugar ng krimen. Si Lucio ay nakagalit ng napatay.

Similar questions