paano nakakatulong sa pang araw araw na pamumuhay ang intrumental na wika?
Answers
Paano nga ba natin nagagamit ang mga gamit ng wika sa lipunan? Ang sumusunod ay mga pangyayaring nagpapakita ng paggamit ng instrumental at regulatori bilang gamit ng wika sa lipunan:
1. Pang-instrumental- nagagamit ng bata ang wika upang ipahayag ang kanyang pangangailangan tulad ng pakikipag-usap. Halimbawa: “Gusto ko ng gatas”
(Iba pang halimbawa ng pang-instrumental bilang gamit ng wika sa lipunan: berbal na pagpapahayag, pagmumungkahi, pakikiusap)
2. Panregulatori- nagagamit ang wika upang sabihin sa iba kung ano ang dapat gawin. Halimbawa: “Alis diyan!”
(Iba pang halimbawa ng panregulatori bilang gamit ng wika sa lipunan: pagbibigay ng patakaran, pagbibigay ng pahintulot o pagbabawal, pagsang-ayon o di pagsang-ayon)
Pinagkunan (source of information):
Montera, Godfrey G. at Plasencia, Norly R. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultura: Komprehensibong Sanayang-Aklat sa Filipino para sa Senior High School. Cebu City: University of San Carlos Press