History, asked by jncastromayr, 7 months ago

Paano nakatutulong sa matalinong pagdedesisyon Ang mga konsepto ng trade off, opportunity cost, incentives,at marginal thinking?

Answers

Answered by topwriters
461

Ang mga konsepto ng trade off, opportunity opportunity, incentives, at marginal na pag-iisip ay nag-aambag sa matalinong paggawa ng desisyon

Explanation:

Ang isang trade-off ay isang desisyon sa sitwasyon na nagsasangkot ng pagbawas o pagkawala ng isang kalidad, dami o pag-aari ng isang hanay o disenyo bilang kapalit ng mga nakuha sa iba pang mga aspeto. Ang ugnayan sa pagitan ng mga trade off at mga gastos sa pagkakataon ay ang mga trade off na lumikha ng mga gastos sa pagkakataon. Ang isang insentibo ay isang bagay na nag-uudyok sa isang indibidwal na magsagawa ng isang aksyon. Ang pag-iisip sa gilid ay nangangailangan ng mga gumagawa ng desisyon upang suriin kung ang pakinabang ng isa pang yunit ng isang bagay ay mas malaki kaysa sa gastos nito.

Ang isang paghahangad sa paggawa ng desisyon ay nakakamit kapag inihambing at naiiba ang dalawa o higit pang mga pagpipilian at pipiliin ang pinaka-kapaki-pakinabang.

Answered by donvicente
36

Answer:

Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunag-yaman. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia, ang oikos ay nangangahulugang bahay at nomos na pamamahala.

Mahalagang Konsepto ng Ekonomiks

Trade-off – ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay . Halimbawa, mag-aaral ka ba o maglalaro?

Opportunity Cost – ay tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. Ang opportunity cost ng paglalaro sa unang halimbawa ay ang halaga ng pag-aaral na ipinagpalibang gawin.

Incentives – maari ding mailarawan ito sa kung magbibigay ng karagdagang allowance ang mga magulang kapalit ng mas mataas na marka na pagsisikapang makamit ng mag-aaral.

“Rational people think at the margin” – Ang ibig sabihin nito ay sinusuri ang isang indibidwal ang karagadagang halaga.

Ang mga kaalaman sa konsepto ng trade off, opportunity cost, incentives at marginal thinking ay makatutulong sa matalinong pagdedesisyon upang maging rasyonal ang bawat isa sa pagbuo ng desisyon.

Pagkakaiba ng Kakapusan at Kakulangan

Ang Kakapusan ay umiiral dahil limitado ang pinagkukunang-yaman at walng katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao kagaya ng kakapusan ng supply ng nickel, chromite, natural gas at iba pang non-renewable resources dahilan sa likas na kalagayan ng mga ito.

Ang Kakulangan o shortage ay nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang sa supplly ng isang produkto kagaya ng kakulangan ng supply ng bigas sa pamilihan sa dahilan sa bagyo, peste, El Nino at iba pang kalamidad.Ang kakulangan ay pansamantala sapagkat may magagawa pa ang tao upang masolusyonan ito.

Ang Pangangailangan at Kagustuhan

Ang Pangangailangan ay mga bagay na dapat mayroon ang tao sapagkat kailangan nya nito sa kaniyang pang-araw-araw na gawain.Ang pagkain, damit, at tirahan ay mga batayang pangangailangan sapagkat hindi mabubuhay ang tao kung wala ang mga ito.

Ang Kagustuhan ay hindi sapat na may damit, tirahat at pagkain lang ang tao. Gusto niyang mabuhay ng marangal at maayos sa lipunan kaya siya ay naghahangad ng mas mataas sa kaniyang mga batayang pangangailangan. Ang mamahaling damit at malaking bahay ay halimbawa ng kagustuhan.

Explanation:

Similar questions