History, asked by asmaul1602, 10 months ago

Pagkakaiba ng Bilateral at multilateral talks

Answers

Answered by doctoraaiviejoy
20

Answer:

Ang bilateral talks ay ang pag-uusap na nasa pagitan ng dalawang bansa nang sabay-sabay, na nagbibigay sa kanila ng pabor sa katayuan ng pangangalakal sa bawat isa. Ang mga layunin ng bilateral deal ay pareho sa isang multilateral deal, maliban lang sa ito ay  pagitan ng dalawang bansa na negosasyon.  

Ang kagandahan ng isang bilateral na kasunduan ay mas madaling makipag-ayos dahil  sa dalawang bansa lamang ang may kinalaman; mas mabilis na epekto, mas mabilis ang mga benepisyo sa pag-aani. Madali din ipatupad ang napagkasunduan, lalo na kung ang arbitrasyon ang tinukoy na paraan upang malutas ang isang hindi pagkakaunawaan

Ang multilateral talks naman ay mga kasunduan  sa pagitan ng tatlo o higit pang mga bansa. Ang mga ito ay may  inilalaang mga benepisyo tulad ng pagbawas sa mga taripa at gawing mas madali para sa mga kalakalan ng bansa na mag-import at mag-export ng mga produkto, magbigay ng malawak na pag-access sa mga merkado ng bawat isa at dagdagan ang paglago ng ekonomiya ng bawat bansa.

Ang mga kasunduang ito ay nagsasa-ayos  sa pagpapatakbo ng negosyo at regulasyon ng commerce; nagtatag ng makatarungang pamantayan sa paggawa at proteksyon sa kapaligiran. Ang mga layuning ito ay upang mapanatili ang isang kapakanan ng bansa mula sa pagnanakaw ng iba pang intelektuwal na pag-aari, pagtapon ng mga produkto sa isang murang halaga, o paggamit ng hindi patas na subsidyo.

Similar questions