History, asked by yorvitdaisy, 5 months ago

pangunahing tauhan,kasiglahan,tunggalian,kasukdulan,wakas sa kuwentong laki sa lawa

Answers

Answered by quentincatague25
36

Answer:

Si Mang Cesar Landicho ay isang masipag na tinderong naglalako ng tinapay, sigarilyo, at inumin.  Sa dami ng kaniyang binibenta, may isang produkto raw siyang hinding hindi nilalako: ang alak.  Ayaw niya kasing malasing at mahulog nalang sa tubig ang kaniyang mga customer.   Lahat kasi ng suki ni Mang Cesar ay mga residente na nakatira sa ibabaw ng Taal Lake.  Gamit ang kaniyang maliit na bangka, araw-araw niyang nililibot ang kanilang mga kubo sa ibabaw ng tubig para maglako, kahit na may panganib ng malalakas na alon.   Isasama niya si Howie Severino sa isang mundo sa ibabaw ng tubig kung saan maraming pamilya ang madalang nang nakakatapak sa lupa.  Ang ilang pamilyang naninirahan dito, dumayo pa galing Mindanao, naghahanap buhay katabi ang isa sa pinaka-aktibong bulkan sa bansa.   Namumuhay sila sa pag-aalaga ng mga libo-libong fish cage na pangunahing supply ng tilapia at bangus sa Metro Manila.  Ngunit ang mga fish cage na ito ang siya ring nakakasira sa lawa at nagdulot ng isa sa pinakamalaking fish kill noong nakaraang taon.   Sa lawa, meron nang mundong natatangi sa ibang komunidad na nasa lupa.  Bagamat sa pusod ng lawa sila nakatira, marami ang hindi marunong lumangoy.   Samahan si Howie Severino kilalanin ang mga taong "Laki sa Lawa,"

Explanation:

Ito yung answer

Similar questions
Math, 5 months ago