History, asked by dlia95, 12 hours ago

Pls Answer This Question (Only For Filipnos]​

Attachments:

Answers

Answered by sofiacastro8306
0

Noong Disyembre 27, 1897, Heneral Emilio Aguinaldo at ang 25 pang rebolusyonaryong mga pinuno naglayag papuntang Hongkong galing sa Sual, Pangasinan, sakay ng bapor Uranus, sa pagsunod sa mga tuntunin ng kasunduan ng Biak-na-Bato.

Matapos ang pagdeklara ng Estados Unidos ng giyera sa Espanya, nakita ni Aguinaldo ang posibilidad na makamit ng Pilipinas ang kalayaan nito; inaasahan ng Estados Unidos na ipahiram ni Aguinaldo ang kanyang mga tropa sa pagsisikap nito laban sa Espanya. Bumalik siya sa Maynila noong Mayo 19, 1898 at idineklara ang kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12.

noong Mayo 24, 1898 ang Pamahalaang Diktatoryal ng Pilipinas ay naghihimagsik sa Spanish East Indies noong Digmaang Espanyol at Amerikano sa pamamahala ni Emilio Aguinaldo

Ang Araw ng Kalayaan o Araw ng Kasarinlan ay isa sa mga taunang pagdiriwang sa Pilipinas na ginaganap tuwing Hunyo 12 bilang pag-alala ng Pamamahayag ng Kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya noong Hunyo 12, 1898. Isa itong Pambansang Araw ng pagdiriwang sa Pilipinas.

Ang pamahalaang diktatoryal na umiiral noon ay pinalitan ng pamahalaang panghimagsikan na pinamunuan ni Emilio Aguinaldo bilang pangulo noong Hunyo 23, 1898. Nagkaroon ang republikang ito ng Kongreso na nagsilbing tagapayo ni Aguinaldo.

Noong 15 Setyembre 1898, nagpulong ang rebolusyonaryong kongreso sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, kung saan Pangulo si Pedro Paterno at Ikalawang Pangulo si Gregorio S. Araneta.

Similar questions