English, asked by Apapap222, 1 year ago

Sanaysay tungkol sa pag-ibig??

Answers

Answered by poonammishra148218
7

Answer:Walang perpektong bagay sa mundo. Walang kasiguraduhan. Oo, mayroon tayong patutunguhan at mayroong dahilan ang lahat ngunit wala ni isa sa atin ang nakakaalam ng kahihinatnan. Pag-ibig. Kadalasan kapag nakarinig tayo ng salitang pag-ibig ay isa lamang ang pumapasok sa ating isipan at iyon ay tayo ay nagmamahal. Marami rin namang uri ng pag-ibig sa mundo. Pag-ibig para sa pamilya, sa mga kaibigan, sa Diyos, sa sarili at sa taong gusto mong makasama habang buhay.

Explanation:

Step:1Karamihan sa atin ay mahilig sa mga kwentong pag-ibig hanggang sa punto na bawat isa sa atin ay naghahangad makatagpo $\mathrm{ng}$ isang tao na pupuno sa ating kakulangan. Ang taong magpaparamdaman sa atin kung gaano tayo kahalaga sa mundo. Taong magiging dahilan upang lubos na nating maintindihan ang kahulugan ng salitang Kaligayahan.

Ngunit kapag tayo ay nagmamahal ay hindi natin maiiwasan na masaktan. Ang Pagkabigo sa ating buhay na nagpaparanas sa atin ng salitang Kalungkutan. Kadalasan dahil sa sobrang pagkabigo ng isang tao sa pag-ibig ay nagawa nitong isawalang bahala ang mga pangarap sa buhay na siyang naging dahilan upang masira ang kinabukasan $\mathrm{ng}$ isang tao.

Step:2Sa Katunayan, marami sa atin ngayon ang natatakot buksan muli ang puso dahil natatakot tayong masaktan muli sa pangalawang

pagkakataon. Ngunit kapag hindi ka nasasaktan ay ibig sabihinin non ay hindi ka rin nagmamahal . Dahil ang pag-ibig hindi lamang puro saya at kilig ang iyong mararamdaman. At kapag nasasabi nating pag-ibig, kaakibat ng kasayahan ang kalungkutan. Ang bawat matatamis na ngiti sa labi ay katumbas nito ang pait.

Makapangyarihan ang pag-ibig. Alam naman natin yan lahat. Masasabi mong ang daling bigkasin ng salitang ito subalit napakalaking epekto ito sa iyo kapag nalaman mo na ang totoong kahulugan nito. Sa simpleng salita nito, hindi natin alam kung bakit nagagawa nitong kontrolin ang ating mundo

Step:3simpleng salita nito, hindi natin alam kung bakit nagagawa nitong kontrolin ang ating mundo

Pag-ibig. Isa sa naging dalihan kung bakit nagagawa mo ang mga bagay na kahit kailan ay hindi mo naiisip na kaya mong gawin. Mga bagay na dating kinamumuhian mo ay hindi mo inaakalang ito ang nagpapasaya sa iyo ngayon. Mga bagay na kinaiinisan mo pero kapag ito ay nawala ay pilit mong binabalikan

Karamihan sa atin ay sinasabi natin na bakit pa nating kailangang balikan ang nakaraan kung ito ay nakaraan na at mananatili lamang nakaraan sa ating buhay. Siguro, masasabi natin tama nga naman pero hindi ibig sabihin na nakaraan na ito ay hindi na pwede pang balikbalikan dahil marami pa rin sa atin ang hindi pa nakakalimot sa mga nakaraang tayo mismo ang nagdadala sa kasalukuyan

To learn more about similar questions visit:

https://brainly.in/question/52918047?referrer=searchResults

https://brainly.in/question/26686524?referrer=searchResults

#SPJ1

Similar questions