Geography, asked by EZUKLABAKIA, 2 months ago

“Si Haria”
Panuto: Basahin ang maikling kwentong nasa kahon.

Minsan, may isang hari at isang tamad na lalaki na nagngangalang Haria. Mabuti
silang magkaibigan. Isang umaga, tinanong ng hari ang kanyang kaibigan, “Bakit hindi ka humanap ng trabaho upang ikaw ay kumita ng pera?”Sumagot si Haria, “Wala kasing nagbibigay ng trabaho sa akin. Pinagsabi ng mga
kaaway kong hindi daw ako marunong gumawa sa takdang oras.”
Ang mabuting hari ay tumugon, “Maaari kang pumunta sa imbakan ng aking mga
yaman at doon mamulot ka ng kayamanan hanggang sa paglubog ng araw.”
Nagmadaling umuwi si Haria upang ibalita sa kanyang asawa ang utos ng hari.
Inutusan siya ng asawa, “Sige pumunta ka na ngayon at kunin mo ang mga ginto at mga mamahaling bato”.Tumugon si Haria. “Huwag muna, pakainin mo muna ako ng tanghalian.”
Matapos ang pananghalian ay nagpahinga pa ng isang oras si Haria. Sa bandang hapon
na niya kinuha ang kanyang kagamitan at nagtungo sa palasyo.
Sa kanyang paglalakad, nakaramdam siya ng matinding init at nagpasyang maupo sa ilalim ng puno upang magpahinga. Makalipas ang dalawang oras, bumalikwas siya para ipagpatuloy ang paglalakbay ngunit nakakita siya ng isang lalaki na nagtatanghal ng mahika. Huminto siya upang manood. Nakaisang oras siya sa panonood. Nang siya ay makarating sa palasyo, ang araw ay palubog na. Ang mga pintuan ng palasyo ay sarado na.


A.Mga Katangian Ni Haria
1.
2.
3.
B. Nagpakita ba sya ng pagpapahalaga ba sa takdang oras?Ipaliwanag
C.Anong aral ang maibabahagi mula sa maikling kwento?
Pa sagot ASAP plss

Answers

Answered by joanacutie
25

Answer:

A

1. Tamad

2. Makasarili? dahil inuuna ang sariling kagustuhan

3. Walang pagpapahalaga sa oras or sa mga taong nakapaligid sa kan‘ya.

B. Hindi, dahil mas inuuna niya ang kagustuhan ng katawan niya na magpahinga at hilig niyang isantabi ang mga bagay na dapat niyang inuuna.

C. Huwag ugaliin ang pagiging tamad dahil ito ay walang idudulot na mabuti. Gawin ang mga responsibilidad.

Answered by Anonymous
2

Explanation:

“Si Haria”

Panuto: Basahin ang maikling kwentong nasa kahon.

Minsan, may isang hari at isang tamad na lalaki na nagngangalang Haria. Mabuti

silang magkaibigan. Isang umaga, tinanong ng hari ang kanyang kaibigan, “Bakit hindi ka humanap ng trabaho upang ikaw ay kumita ng pera?”Sumagot si Haria, “Wala kasing nagbibigay ng trabaho sa akin. Pinagsabi ng mga

kaaway kong hindi daw ako marunong gumawa sa takdang oras.”

Ang mabuting hari ay tumugon, “Maaari kang pumunta sa imbakan ng aking mga

yaman at doon mamulot ka ng kayamanan hanggang sa paglubog ng araw.”

Nagmadaling umuwi si Haria upang ibalita sa kanyang asawa ang utos ng hari.

Inutusan siya ng asawa, “Sige pumunta ka na ngayon at kunin mo ang mga ginto at mga mamahaling bato”.Tumugon si Haria. “Huwag muna, pakainin mo muna ako ng tanghalian.”

Matapos ang pananghalian ay nagpahinga pa ng isang oras si Haria. Sa bandang hapon

na niya kinuha ang kanyang kagamitan at nagtungo sa palasyo.

Sa kanyang paglalakad, nakaramdam siya ng matinding init at nagpasyang maupo sa ilalim ng puno upang magpahinga. Makalipas ang dalawang oras, bumalikwas siya para ipagpatuloy ang paglalakbay ngunit nakakita siya ng isang lalaki na nagtatanghal ng mahika. Huminto siya upang manood. Nakaisang oras siya sa panonood. Nang siya ay makarating sa palasyo, ang araw ay palubog na. Ang mga pintuan ng palasyo ay sarado na.

A.Mga Katangian Ni Haria

1.

2.

3.

B. Nagpakita ba sya ng pagpapahalaga ba sa takdang oras?Ipaliwanag

C.Anong aral ang maibabahagi mula sa maikling kwento?

Pa sagot ASAP plss

Similar questions