History, asked by aya13, 4 days ago

Si Pepe ay may alagang aso mula sa kanyang ina. Ang tawag niya dito ay Tagpi. Puting-puti ang madulas na balahibo ni Tagpi. Sa bandang likod, paa, mukha at tainga nito ay mayroon itong mga tagpi na kulay kayumanggi. lyon ang dahilan kung bakit Tagpi ang pangalang ibinigay ni Pepe sa kanyang aso. Mahal na mahal niya si Tagpi. Palagi niya itong pinaliliguan. Binibigyan niya ito ng maraming masasarap na pagkain at tubig. Madalas din niya itong ipinapasyal at nilalaro. "Habol, Tagpi!" sigaw niya habang nakikipagunahan siya sa pagtakbo sa alaga sa likod ng kanilang bahay. Isang araw ay may naligaw na aso sa lugar nina Pepe. Kasing laki ni Tagpi ang aso pero kulay itim ito. Manipis ang balahibo ng itim na aso kaya hindi ito magandang tingnan. Marami pang putik at sugat sa katawan kaya mukha rin itong mabaho. Hindi ito katulad ni Tagpi na ubod ng linis dahil araw-araw niya itong pinaliliguan. Nakita ng itim na aso si Tagpi. Lumapit ito sa bakod nila at tinahulan ang kanyang alaga ng pagkalakas lakas. Iginagalaw-galaw pa ni Tagpi ang kanyang buntot na para bang tuwang-tuwa. Hindi nagustuhan ni Pepe ang pakikipaglaro ni Tagpi sa marungis na aso. Binugaw niya ito pero ayaw nitong umalis. "Tsuu... tsuu! All s 1^ prime prime bugaw niya rito. Ayaw umalis ng aso, panay ang tahol nito kay Tagpi. Nainis si Pepe kaya kumuha siya ng mahabang patpat at hinampas niya ang aso. Natumba ito at nagiiyak. Hahampasin pa sana muli ni Pepe ang kulay itim na aso para tuluyan nang umalis pero dumating ang kanyang tatay, agad siyang inawat nito. "Huwag mong saktan ang aso, Pepe" sabi ng kanyang ama. "Ang baho po kasi, Itay! Baka mamaya ay mahawa pa sa kanya si Tagpi," katuwiran niya. "Paano kung si Tagpi ang mapunta sa ibang lugar at saktan din siya ng mga bata doon. Magugustuhan mo ba iyon?" tanong ng ama. Hindi nakasagot si Boyet. Napahiya siya. Tinulungan nilang makatayo ang aso at hinayaan na niya itong makipaglaro kay Tagpi. Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat tanong.

Answers

Answered by bhsanki0
0

Answer:

Correct the misplaced modifier in the following sentences. 1. Tom barely skidded 6 inches in the milk spill. 2. Anna suggested often that the...ootxodaozf

Explanation:

Similar questions