Sino ang nag taksil sa katipunan
Answers
Answer:
Teodoro Patiño
Explanation:
Si Teodoro Patiño ay isang katipunero na nakipag-away sa kapwa katipunero na si Apolonio de la Cruz dahil sa dalawang pisong dagdag sahod sa printing shop ng Diario de Manila. Dahil dito, pinuntahan ni Patiño ang kanyang kapatid na si Honoria at isiniwalat ang mga sikreto at plano ng KKK. Pagkatapos ay pumunta si Honoria upang sabihin ito sa punong madre. Hinimok ng madre si Patiño na sabihin ang mga sikreto sa kura paroko.
Pagkatapos ay ibinulgar ng pari ang mga nalaman niya sa mga awtoridad hanggang sa salakayin ng Guardia Civil ang opisina ng Diario de Manila.
Nalaman ng mga awtoridad ng Espanya ang tungkol sa pagkakaroon o pagtatag ng Katipunan salamat kay Patiño.
Dahil dito napilitan ang mga pinuno ng KKK na maglunsad ng maagang pag-aalsa.