Tama o mali
1.Bago pa man nasakop ang pilipinas may sarili na itong paraan ng pagmamay-ari ng lupa
Answers
Answer:
Ginagawaran ng Artikulo VII, Seksyon 1 ng 1987 Konstitusyon ng kapangyarihang ehekutibo ang Pangulo ng Pilipinas, na siyang magsisilbing puno ng estado, puno ng pamahalaan, at punong komandante ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Bilang punong tagapagpaganap, pamamahalaan ng Pangulo ng Pilipinas ang lahat ng ehekutibong kagawaran, kawanihan, at tanggapan.
ANG PANGULO NG PILIPINAS
Inihahalal ang Pangulo ng Pilipinas sa pamamagitan ng boto ng mga mamamayan para terminong may habang anim na taon. Maaari lamang siyang manilbihan sa loob ng isang termino, at hindi pahihintulutang maihalal muli. Nagsisimula ang termino ng Pangulo ng hapon ng ika-30 araw ng Hunyo pagkatapos isagawa ang eleksyon.
MGA KUWALIPIKASYON
Ang mga kuwalipikasyon para sa nagnanais maging Pangulo ng Pilipinas ay nakabalangkas sa Artikulo VII, Seksyon 2 ng 1987 Konstitusyon. Ayon sa konstitusyon, maaaring maging Pangulo ang isang tao kung maabot niya ang mga sumusunod na pamantayan:
likas na ipinanganak na Pilipino;
isang rehistradong botante;
nakababasa at nakasusulat;
40 taong gulang sa araw ng halalan;
kailangang nakapanirahan sa bansa nang sampung taon bago ang halalan.
KASAYSAYAN
Mayroon nang 15 Pangulo ng Pilipinas mula nang maitatag ang posisyon noong Enero 23, 1899 sa Republika ng Malolos. Si Pangulong Emilio Aguinaldo ang kauna-unahang humawak ng posisyong ito na tumagal hanggang Marso 23, 1901, nang madakip siya ng mga Amerikano sa kasagsagan ng Digmaang Pilipino-Amerikano.
Binuwag ang Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas pagkatapos madakip si Aguinaldo, at naibalik lamang noong itinatag ang Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas noong 1935.
Matapos ganapin ang kauna-unahang pambansang halalan noong Setyembre 16, 1935, naluklok si Manuel L. Quezon bilang ikalawang Pangulo ng Pilipinas at kauna-unahang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas. Tatlong terminong nanatili sa posisyon si Pangulong Quezon sapagkat hindi nagsaad ng hangganan sa termino ang 1935 Konstitusyon: Una siyang naihalal noong 1935 para sa anim na taong termino, sa ilalim ng lumang 1935 Konstitusyon; muli siyang naihalal noong 1941 sa ilalim ng bagong amyendahang 1935 Konstitusyon, na pinaikli sa apat na taon ang termino ng Pangulo; at sunod noong 1943 kung kailan kinailangan niyang biglang manumpa sa panunungkulan dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Noong napuwersa ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang Pamahalaang Komonwelt na umalis ng bansa, isang bagong pamahalaan ang itinatag—na kalauna’y kikilalanin bilang Ikalawang Republika ng Pilipinas. Pamumunuan ni Jose P. Laurel ang pamahalaang ito bilang ikatlong Pangulo ng Pilipinas at unang Pangulo ng Ikalawang Republika. Nanatili si Laurel sa panunungkulan mula 1943 hanggang 1944 noong binuwag ang Ikalawang Republika. Sa puntong ito, magsasanib ang Pangulo ng Ikalawang Republika at Pangulo ng Komonwelt.
Muling itinatag ang Pamahalaang Komonwelt noong 1945 kung saan si Pangulong Sergio Osmeña ang nagsilbing ikalawang Pangulo ng Komonwelt at ikaapat na Pangulo ng Pilipinas. Sa Estados Unidos nanumpa sa tungkulin si Osmeña pagkatapos pumanaw ni Pangulong Quezon. Tumakbo si Osmeña sa unang pampanguluhang halalan pagkatapos ng digmaan noong 1946, subalit natalo siya Pangulo ng Senadong si Manuel Roxas.
Naihalal si Pangulong Roxas noong 1946 bilang ikatlong Pangulo ng Komonwelt at ikalimang Pangulo ng Pilipinas. Inihatid niya sa pagwawakas ang Pamahalaang Komonwelt noong Hulyo 4, 1946, at ang pagsilang ng Ikatlong Republika. Nagpatuloy ang termino ni Roxas hanggang sa Ikatlong Republika. Kung kaya, siya ang naging unang Pangulo ng Ikatlong Republika. Susundan si Roxas nina Pangulong Elpidio Quirino, Ramon Magsaysay, Carlos P. Garcia, at Diosdado Macapagal bilang ikalawa, ikatlo, ikaapat, at ikalimang Pangulo ng Ikatlong Republika. Sila rin ang magiging ikaanim, ikapito, ikawalo, at ikasiyam na Pangulo ng Pilipinas, ayon sa pagkakasunod-sunod.
sagatin nyo na
Explanation:
kasi malapit na lasahan