Tanong: Dapat bang ipagtuloy ang pagdiriwang ng mga pista o hindi?
Answers
Answer:
Layunin ng pag-aaral na ito na maipaliwanag ang konsepto at karanasan ng panata ng
kapistahan sa ilang pamilyang Pilipino sa Lucban, Quezon sa pamamagitan ng pagbabahagi nila
ng kanilang mga karanasan. Sa pamamagitan ng pang-katutubong metodong na pagtatanungtanong at pakikipagkwentuhan sa isang kinatawan sa limang pamilya sa bayan ng Lucban,
Quezon, napag-alaman na ang konsepto ay pinaikot kay San Isidro Labrador na patron ng mga
magsasaka. Ang karanasan naman ay ibinahagi at napag-alaman na ito ay nabuo sa katagalan
ng pakikilahok at kinalakihan na rin. Naikumpara ang ilang mga epekto at lumabas na mayroong
positibo at negatibo. Ang kahalagahan ng pagsasama-sama ng pamilya ay ang maituturing na
pangunahing positibong aspeto kasama na rin ng pagkakaroon ng hanapbuhay at ang
pagkakaroon ng mas matibay na pananampalataya sa Diyos. Bagkus, ang pagbabagong dulot ng
modernong panahon ay lumabas na negatibo, kasama na rin ng pinansyal na kabawasan at
pagkaubos ng oras. Mairerekomenda ng mananaliksik na isagawa ang pag-aaral sa mas
mahabang panahon at kumuha pa ng mas maraming kalahok na makakapanayam