tatlong paring martir na nakipag laban sa pag kamit ng nasyonalismo ng bansa
Answers
Answer:
Noong Nobyembre 30, 2013, samantalang ipinagdiriwang ang ika-150 taon ni Bonifacio, inaalala rin natin ang ika-80 taon ng pagbubukás ng isa sa pinakanananatiling muhón ng bayan, ang isa sa pinakakamangha-manghang likhang-sining sa bansa––isang alay na angkop sa lalaking kinilala bilang ama ng Himagsikang Filipino.
Explanation:
Sa Lungsod Caloocan, nakapaíkot ang apat na pangunahing daan sa matáyog na bantáyog na gawa sa graníto at tansô––isang panggunita kay Andres Bonifacio, ang amang mapanagisag ng Himagsikang Filipino, at minsang naging Pangulo ng Kataas-taasang Kapulungan ng Katipunan.
Walumpung taon nang nakatayô ang bantáyog––noong una ay nag-iisang nakatindig sa láwak ng Caloocan, at sa paglipas ng mga taon ay naging panandang-batayán ng paghubog sa lungsod. Ito ang nagbigay-ngalan sa lunán na pinamamahayan ngayon ng mga establisyiméntong dati-rati’y hindi napapansin ang dahan-dahang paggapang palapít dito, subalit ngayon ay nagbabantâng kubabawan ang Winged Victory [Tagumpay na May Bagwís] na nakahápon sa táyog na apatnapu’t limang talampakan mula sa lupa. Kapag sinulyapan ang bantáyog na itong niyayakap na ng anino ng mga bago’t itinatayo pa ring gusali, bahagya na itong tingalain ng mga umiikot ditong tumatawid o naglalakbay, at maging iyong mga nasa loob ng sasakyan ay higit itong itinuturing bilang sagábal kaysa panandang-sagisag. Matíkas bagaman nananatiling mabini ang Bantáyog Bonifacio, kaya’t patuloy nitong nagagampanan ang pagiging luwásan at muhon sa libo-libong nagdaraan dito, bagaman unti-unti na itong naglalaho sa paningin ng mga madalas nang nakakikita rito sa loob nang mahabang panahon.
Sa may mga marubdob na paggigiit na nagdurusa umano si Andres Bonifacio sa dobleng talím ng pagiging martir-ng-kasaysayan, pinagtitibay rin ng Bantáyog Bonifacio ang mga suliraning kinakatawan ng isang bantog na panggunita. Umaalingawngaw ang sagisag: Ang bayaning kumakatawan sa mga mamamayan: ang idealistang manggagawa, ang manghihimagsik mulang Tondo, nakatindig sa gitna ng mga pagkukumahóg ng lungsod––ang titig niya’y habambuhay na nakatuon sa kahabaan ng Avenida Rizal [Lansangang Rizal], ang matandang daan na pabalik sa Maynila––hindi halos mapagsino sa paligid, ngunit mahirap maipagkamali bagaman nakakubli sa pagitan ng anino ng mga gusaling nagsilitaw sa palibot nito sa Caloocan.