what did the grandmother do in her final hours
Answers
Answer:
Ks sb jwhsvshshsvehejeBased on the investigation of the Strategic Homeland Intervention Enforcement and Logistics Division with the partnership of bantay bata 163 ang Local Government Unit and Federal Bureau of Investigation that this is a highly hazardous chemical that consists a large amount of carbon tectonic metal alloy Atom with a 200% Gamma radiation particles increased to the ⁴ power anatomaly powered by the gas extension process by the atmospheric disturbance caused by loomatic diserruption of the massive carbon monoxide air xenon production of galactic cosmic radiation highly interferance modeled frequency by 9.801PSI holding to 9743 terahearts resulting a formatic lymphiatric decoynic word consist by 3 syllables and 2 words using a 190mhz frequency and covering 8 squaremeter sound heard by a density of 100 people around 5diameter from epicenter called dikoalam
Explanation:
Banaba, Noon hanggang Ngayon
Sa bayan ng San Pascual, sakop ng Bauan noon
Masisilayan natin, isang simpleng nayon
'Di akalaing may 3,065 bilang ng populasyon
BANABA ang ngalan at madaling itugon.
Dito'y matatagpuan, malalawak na sakahan
Maraming pananim, kalimitan ay palayan
Pagkatapos ng ani, dayami'y nagiging laruan
May kabuteng pang-ulam, kapag nagkulugan.
Hindi malilimutan, ang makipot na daan
Daang-tao lamang, 'di kasya ang sasakyan
Masukal, madilim, malayo sa kahanggan
Aho't lusong sa lagnas, madulas kapag naulan.
Paaralang Elementarya ay kilalang-kilala
Sa husay at galing, mga guro't eskuwela
Nangunguna sa akademika, isports at mga dula
Humahakot ng gantimpala, hinahangaan ng madla.
Pisong bao'y sapat na, para sa kending hubad
Tsinelas man ay butas na, sa layo ng nilalakad
Kanin sa dahon ng saging at itlog ng manok sa pugad
Makapag-aral lamang para sa pangarap na hinahangad.
Sakayan pabayan, noo'y iisa pa lamang
Kaya't madaling araw, kailangan nang mag-abang
Liwanag ng buwan, tanging tanglaw sa parang
Patay ang ilaw sa tahanan, 'pagkat gaas ay sayang.
Anong hirap sa tubig na kanilang dinanas
Tungga sa poso, igib sa kuluong ay wagas
Balagwit sa balikat, dalawang baldeng awas
Bago makarating sa bahay, pawis ay kanas-kanas.
Kung nais manood, kapitbahay ang takbuhan
Black and white na TV, mayroo'y iilan lamang
Ang iba naman, radyo ang pinakikinggan
'Wag lang battery maubusan, malayo ang bilihan.
Sa paglipas ng panahon, marami na ang nagbago
Mga daan dito'y puro na sementado
May street lights pa sa bawat kanto
Maraming kalsada't pinalawak nang husto.
Higit na napapansin, mga bahay na naglalakihan
Halos bawat isa'y may kanya-kanya ng sasakyan
Mga estudyante'y hatid-sundo sa eskwelahan
Pwede nang pumunta kahit saan maibigan.
Bahay pamahalaan, paaralan at kapilya
Ngayo'y pinaluwang, maraming tao ang kasya
May mga kainan, resort, talyer at panaderya
Malalaking tindahan, hardware at iba pa.
Laking alwan na sa patubig ngayon
Pipihitin na lamang, may tulo maghapon
Pati mga ilaw, pindot lang ang switch on
Tila nakalimot sa dilim ng kahapon.
Pamumuhay ng tao'y unti unting umusad
Pagpupursigi ng mga namuno'y umasenso agad
Sa sipag at tiyaga, kitang-kita ang pag-unlad
Isa lamang barangay ngunit para ng siyudad.
Marami mang pagsubok ang naranasan
Sa pagputok ng bulkan, ito'y nagsilbing tahanan
Karapata'y 'di ipinagkait sa mga kababayan
Ngayo'y COVID-19 naman ang pinaglalabanan.
Mga namumuno'y sadyang 'di matitinag
Anumang kalamidad, sila'y parating yagyag
Tangi nilang hangad, malasakit ay ipahayag
Kanilang ipinatutupad, sa patakara'y 'wag lumabag.
Mula Ibyo, Laylayan, Gitna hanggang Ibaba
Lahat nagdadamayan at nagpapakumbaba
Kapit-kamay na mananalig, sa Diyos ay sasamba
'Yan "Ang Nagkakaisang Barangay Banaba".