World Languages, asked by NATOITO, 2 months ago

Write the sequence of events in a popular national television sopa opera "Ang Pangako Sayo"

Answers

Answered by venkatsaikrishna
4

Explanation:

Nagsimula ang teleserye sa pag-iibigan nina Amor (Eula Valdez) at Eduardo (Tonton Guttierez). Tutol ang ina ni Eduardo na si Benita (Pilar Pilapil) dahil kasambahay noon si Amor, at sa halip, nais niyang ipakasal ang anak sa anak ng Gobernador ng Punta Verde na anak rin sa labas na si Madam Claudia (Jodi Sta. Maria) dahil sa interes pampolitika. Si Diego (Alex Castro), na may lihim na pag-hanga kay Amor, ay pinakiusapan ng ina na paghiwalayin ang dalawa. Nang balak gahasain ni Diego ang babaeng pinakamamahal niya, napagkamalan ng kapatid na may relasyon ang dalawa, at nagpasyang magpakasal kay Claudia. Umalis si Amor sa Hacienda Buenavista, na noo'y nagdadalantao, upang bumalik sa tambakan ng basura kasama ang kanyang ina na si Chayong (Ericka Jean Garcia). Nang mabasa niya sa lumang dyaryo na kasal na sina Eduardo't Claudia, nangako si Amor na gaganti sa kanila.

Pagkatapos magluwal ng isang sanggol na pinangalanang Maria Amor Powers Buenavista, nagtrabaho sa bar si Amor, kasama ang kaibigang si Lourdes (Paul Benedict). Dito, nabihag niya ang puso ng isang mayamang Amerikano, nang maglaon ay sinama siya pabalik sa Amerika, iniwan ang anak at sariling ina sa tambakan. Gayunman, nagpapadala pa rin ng pera si Amor sa kanyang naiwan sa Pilipinas.

Abusado ang napangasawa ni Amor. Nang may nangyaring sakuna sa tambakan, hindi pinayagan ni James Powers si Amor na makabalik ng Pilipinas dahil sa pag-aakalang patay na ang kanyang naiwang mahal sa buhay. Gumanti siya sa pang-aabuso ng asawa nang hindi niya ito ipinagamot nang magka-stroke si Mr. Powers. Dahil dito, namana ni Amor ang lahat ng perang naiwan ng asawa.

May dalawang anak sina Eduardo at Claudia: sina Angelo at Lia. Tinutuligsa ni Angelo (Angelo Illagan) ang kanyang ama, samantala si Lia (Rosalyn Marzan) ay isang mabait na dalaga. Ngayon, Gobernador na ng Punta Verde si Eduardo, at si Claudia ay naging kilala sa pagiging "Reyna ng mga Sugarol".

Magkagayunpaman, nakaligtas ang anak ni Amor sa sakunang nangyari sa tambakan, at inampon siya ng mag-asawang Magaspac: Isko (Alex Benito) at Belen (Amy Austrellia). Ang mag-asawa ay meron nang isang anak, si Caloy (Jay Manalo). Nakita nila ang mga larawang iginuhit ni Eduardo kay Amor, na may lagdang "Ynamorata". Nakalagay ito sa tabi ng sanggol o yun naka-pangalan ito sa purseras, at nagpasya ang mag-asawa na ipangalan ang sanggol na Ynamorata, o Yna. Dumating din kalaunan ang bunso, si Flerida (Hazel Ann Mendoza).

Nagsisi si Benita na ipinkasal niya ang anak sa isang napakasamang babae. Sa mga huli niyang sandali, inamin niya na pakana niya ang paghiwalayin sina Eduardo at Amor, pero nalagutan na siya ng hininga bago siya makapagpaliwanag. Dumadalaw si Benita sa mga panaginip ng ngayo'y dalaga nang si Yna (Madelyn Maruzzo) para pagsisihan ang kanyang mga pagkakamali.

Naaksidenteng nagkakilala sina Yna at Eduardo. Kinagabihan, nanaginip muli si Yna: pinapakita ni Benita sa dalaga ang mga pagkakamaling nagawa niya sa kanyang pamilya. Dahil dito, nagpasya si Yna na maging kasambahay sa Hacienda Buenavista.

Nahulog ang mga loob nina Angelo at Yna, kahit tutol si Claudia sa nasabing relasyon. At dahil mababa ang tingin ni Claudia sa mga kasambahay, ginawang impyerno ni Yna ang buhay ng madam sa loob ng mansiyon ng mga Buenavista.

Bumalik na si Amor sa Pilipinas bilang si Amor Powers, kilala sa mundo ng pagnenegosyo, naghahanda para sa kanyang paghihiganti sa mga Buenavista, lalo na kina Claudia at Eduardo. Ang pinakahihintay na pangyayari ay ang pag-siwalat ng katotohanan na si Yna ay ang nawawalang anak ni Amor.

Gayunman, mas kumplikado pa ang sumunod na pangyayari: dahil nalaman na si Eduardo ang tunay na ama ni Yna, magkapatid silang dalawa sa ama ni Angelo. Sa kalaunan, hindi si Eduardo ang ama ng binata; nung una, si Simon (John Arcilla) ang pinaghihinalaan, ngunit ang lumalabas na tunay na ama ng binata ay si Diego (siya'y ampon ng mga Buenavista at hindi talaga sila magkapatid ni Eduardo), na nakabuntis ng isang babaeng namatay sa pagkakapanganak na si Thelma.

Lumalabas din na babae ang iniluwal na sanggol ni Claudia o yun anak nilang dalawa ni Simon. Pinagpalit ng ama nito ang mga bata, sapagkat naniniwala siyang lalake ang magiging tagapagmana ng kanyang kayamanan. Maria Amor Powers (Dianne dela Fuente) ang pangalan ng sanggol, na pinalaki ni Lola Puring Zalameda (Anita Linda), kaya napaniwala siya na anak ito ni Amor. Datapwat, Clarissa ang totoo nitong pangalan, at napapaniwalang ito ang totoong anak nina Eduardo at Amor, kasama na si Claudia. Pinatay ni Claudia si Clarissa sa pamamagitan ng pag baril sa ulo upang makaganti sa kanyang karibal. Nadurog ang kanyang loob nang malaman kung ang totoong Maria Amor. Nang dumating siya sa kasal nina Yna at Angelo, humihingi na ito ng pagpapatawad sa lahat dahil nakita niya ang kaluluwa ng anak. Nabilanggo si Claudia, at kasama nito ang abo ng anak, malayo sa dating buhay.

Sa huli, nagsama sina Eduardo at Amor, nagsama ng masaya si Yna at Angelo.

Answered by tinkusweetymuvvala
0

Answer:

please mark me as brainliest

Attachments:
Similar questions