English, asked by suravthakare2020, 4 months ago

Your school has arranged an elocution competition and the subject is if l become the priministar of india

Answers

Answered by julitoeleazar64
0

Answer:

Kulturang: Pagyamanin at Palaganapin.

ANO ANG KULTURA?

Ang kultura ay kabuan ng mga tradisyion paniniwala kaugaliang natutuhan ng tao mula sa kanyang pakikisalamuha sa pamayanan o sa lipunang kanyang kinabibilangan .Ang kultura rin ang humuhubog kung paano mamumuhay at makikipagtulungan ang tao sa mundo.

Ito ay nagpapakita ng pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupo ng mga tao. Dito rin naipapakita ang pagkakaiba-iba ng bawat pangkat. May kani-kanila silang orihinal na talento sa iba’t ibang larangan.

KULTURANG PILIPINO

Ang Kultura sa Pilipinas

Bawat bansa ay may kani-kanilang pinaniniwalaan o nakagawiang gawain na ipinamana ng kani-kanilang mga ninuno. Ang Pilipinas ay tinaguriang mayaman sa iba’t ibang larangan sa kultura at isa sa mga bansang kinikilala ang kulturang nagmula sa ating mga ninuno . Naimpluwensyahan tayo ng ating mga ninuno kaya ito’y ating ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.

“Huwag kalimutan ang sariling atin, marapat lang natin itong alagaan at muling buhayin.”

Mga Kultura sa Pilipinas:

Wika

Paniniwala

Tradisyon o Kaugalian

Pagkain

Sining

Kasuotan

Relihiyon

PAANO PAGYAMANIN AT PALAGANAPIN

Maraming paraan upang mapagyaman at mapalaganap ang kulturang Pilipino. Ngunit ang unang hakbang ay matutunan mong mahalin ito at huwag ikahiya sa iba. Matutong ibahagi sa iyong kapwa ang iyong kultura.

Halimbawa: WIKA

Nahihiya ka bang magsalita ng iyong sariling wika o dialekto sa harap ng ibang lahi? Natural lamang na kung ikaw ay nasa ibang lugar kailangan mong makibagay o matuto ng ibang lingwahe upang magkaintindihan kayo. Subalit hindi ito nangangahulugan na isasantabi mo na ang iyong sariling wika o dialekto. Magsalita ng iyong sariling wika kung may pagkakataon. Hindi dahil ikaw ay nasa ibang lugar o bansa ay kakalimutan mo na ang iyong kinagisnang kultura. Ipakilala mo kung sino at ano ka at kung ano ang iyong kultura. Angkop din ito sa ibat ibang aspeto ng ating kulturang Pilipino.

Tandaan, maganda ang kulturang mo. At marami ang naghahangad na makaalam nito.

cr james boysmit

Similar questions