Ang hatol ng kuneho
sanggunian at paglalahad
pasagot po plss
Answers
Answer:
"Ang Hatol ng Kuneho" ay isang pabula na mula sa Korea at isinalin ni Vilma C. Ambat sa wikang Tagalog. Ito ay kwento tungkol sa utang na loob at matalinong paggawa ng desisyon. Isinasabuhay ng mga sumusunod na tauhan ang kwentong ito.
Tigre - ang unang hayop na nabanggit sa kwento. Siya ay naglalakad at naghahanap ng pagkain sa kagubatan nang biglang nahulog sa isang malalim na hukay. nanatili siya sa hukay ng isang araw hanggang sa nakarinig siya ng mga yabag ng tao.
Katangian - gutom at desperado at hindi marunong tumupad sa usapan
Lalaki- ang pangalawang tauhan sa pabula. Siya ang nakakita sa tigreng nasa hukay at hinginan ng tulong ng tigre. Sinaklolohan niya ang tigre gamit ang isang troso upang matulungang makalabas sa hukay.
Katangian - naguguluhan ngunit mas pinili pa rin niyang maging matulungin
Puno ng Pino - siya ang unang hiningan ng payo at tulong ng lalaki nang muntik na siyang salakayin at kainin ng gutom na tigre. Pinayo niyang kainin ng tigre ang tao.
Katangian - kapakipakinabang sa tao subalit masidhi ang hinanakit sa tao dahil sa paggamit ng tao sa kahoy upang mabuhay
Baka - pangalawang hiningan ng tulong ng tao ukol sa kanyang suliranin. Para sa kanya, mas mainam na kainin ng tigre ang tao
Katangian - kapakipakinabang din sa tao dahil sa pag-aaaro nila sa bukid ngunit galit din sa tao dahil sa kinakain sila ng tao kapag sila ay tumatanda na.
Kuneho - siya ang huling humatol sa suliranin ng lalaki at tigre. Gumawa siya ng paraan upang malunasan ang problema sa pamamagitan ng pagpapatalon ng desperadong tigre pabalik sa malalim na hukay
Katangian - tuso, makatarungan at lohikal mag-isip
Ito ang kwento nang hatol ng kuneho.
Isang araw, noong mga panahong ang mga hayop ay nagsasalita pa, may isang tigreng naghahanap ng makakakain sa gubat. Ngunit sa kasawiang palad ay nahulog ito sa isang malalim na hukay. Walang nagawa ang tigre kaya''t nagmamakaawa itong sumigaw upang humingi ng tulong.
Hanggang kinabukasan ay may isang taong napadaan at nakita ang kanyang kalagayan. Nakiusap ang tigre sa tao ngunit ito ay nagdadalawang isip kung tutulungan ang tigre sapagkat baka sya ay kainin nito.
Nangako naman ang tigre na hindi nito kakainin ang tao, dahil na din sa awa ay tinulungan ng tao makaahon ang tigre. Ngunit ang gutom na tigre ay hindi tumupad sa pangako at akmang kakainin nya ang tao.
Nakiusap muna ang tao sa tigre na baka kung sakali ay humingi ng hatol sa puno kung sya ba ay dapat kainin ng tigre. Ipinaliwanag ng tao ang nangyari ngunit tila sang ayon ang puno na sya ay kainin ng tigre sa kadahilanang
ang mga tao ang may kasalanan sa pag kaubos ng mga puno.
Muling humingi ng hatol ang tao sa napadaang Baka, ngunit katulad ng hatol ng puno ay ganoon din ang hatol nito.
Hanggang sa may isang mapadaang kuneho na lumulukso at ito naman ang hiningian ng hatol ng tao at tigre.
Ang suhestiyon ng kuneho ay muling nilang isalaysay ang nangyari sa pamamagitan ng pagpunta ng tigre sa hukay upang maibigay ang kanyang hatol.
Muli ngang nagpunta ang tigre sa hukay upang maibigay na ng kuneho ang hatol.
Ang hatol ng kuneho ay, "Magpatuloy na lamang ang tao sa paglalakbay at ang tigre ay dapat manatili na lamang sa hukay ng hindi na sila namomoroblema".
Muli ay nagpatuloy na sa paglukso ang matalinong kuneho.
Para sa karagdarang kaalaman at impormasyon ukol sa kwento, maaaring tunguhin ang mga links na ito:
brainly.ph/question/62530
brainly.ph/question/51357
brainly.ph/question/994609
Explanation: