Hindi, asked by biancarhianmartin, 7 months ago

Ano ang kasamaan/ disbentahe ng salitang demokrasya??​

Answers

Answered by sanvicofficial
3

Answer:Ang demokrasya (Griyego: δημοκρατία, dēmokratiā, mula sa dēmos 'mga tao' at kratos 'pamamahalaan') ay isang uri ng pamamahala kung saan may awtoridad ang mga tao upang piliin ang kanilang namamahalang lehislasyon. Kung sinu-sino ang mga tao at kung paano hinahati ang awtoridad ang mga pangunahing suliranin para sa teorya, pagsusulong, at saligang batas ng demokrasya. Kabilang sa pundasyon ng mga suliraning ito ang kalayaang magtipon-tipon at magsalita, inklusibidad at pagkakapantay-pantay, pagkamamamayan, pagsasang-ayon, pagboboto, karapatang mabuhay at mga karapatan ng minorya.

Sa pangkalahatan, mayroong dalawang uri ng demokrasya: tuwiran at kinatawan. Sa tuwirang demokrasya, pinag-uusapan at pinagpapasiyahan ng mga tao mismo ang lehislatura. Sa kinatawang demokrasya, inihahalal ng mga tao ang mga kinatawan upang pag-usapan at pagpasiyahan ang lehislatura, tulad sa parlamentong o pampanguluhang demokrasya. Pinagsasama ng likidong demokrasya ang mga elemento nitong dalawang saligang uri. Gayunpaman, sa paglipas ng panahon, pinababago ang pangngalang "demokrasya" ng higit sa 3,500 pang-uri na nagmumungkahi na mayroon itong mga uri na nakaiiwas sa at nakaliligta ng dualidad na ito.[1]

Ang naging pinakakaraniwang kaparaanan sa pagpapasiya ng mga demokrasya ay panuntunan ng karamihan,[2][3] ngunit naging kasinghalaga rin ang mga ibang kaparaanan tulad ng supermayorya at pagkaisahan. Nagsisilbi ang mga ito sa napakahalagang layunin ng inklusibilidad at mas malawakang pagkalehitimo sa mga sensitibong paksa, na nagiging panimbang sa mayoritarismo, at sa gayon ay kadalasang nangingibabaw sa antas ng saligang batas.

Explanation:Sa karaniwang uri ng demokrasyang liberal, ginagamit ang kapangyarihan ng karamihan sa loob ng balangkas ng isang kinatawang demokrasya, ngunit nililimitahan ng saligang batas ang karamihan at pinoprotektahan ang minorya, karaniwan sa pagtatamasa ng lahat ng mga tiyak na pansariling karapatan, hal. kalayaan sa pagsasalita, o kalayaan sa pakikisama.[4][5] Bukod sa mga ganitong uri ng demokrasya, mayoon pang napakaraming uri. Ang mga republika, bagaman madalas iniuugnay sa demokrasya dahil sa pagkaparehong prinsipyo ng pamamahala ng pagsang-ayon ng mga pinamamahalaan, ay hindi palaging demokrasya, dahil hindi tinutukoy ng republikanismo kung paano mamamahala ang mga tao.[6]

Walang kasunduan kung paano magbigay-kahulugan sa demokrasya, ngunit natukoy ang legal na pagkakapantay-pantay, makapulitikang kalayaan at pamamahala ng batas bilang mga mahahalagang katangian nito.[14][15] Ipinapakita ang mga prinsipyong ito sa pagkakapantay-pantay ng lahat ng mga mamamayang nararapat sa harap ng batas at pagkakaroon ng magkapantay na daan sa mga proseso ng pambatasan.[kailangan ng sanggunian] Halimbawa, sa isang kinatawang demokrasya, magkasimbigat ang bawat boto, walang maikakapit na di-makatuwirang paghihigpit sa sinumang nagnanais na maging kinatawan,[ayon kanino?] at sinisiguro ang kalayaan ng kanyang mamamayang nararapat sa naisalehitimong karapatan at kalayaan na karaniwang pinoprotektahan ng saligang batas.[16][17] Kabilang sa ibang paggamit ng "demokrasya" ang yaong sa tuwirang demokrasya.

Sinasabi ng isang teorya na kinakailangan ng demokrasya ang tatlong pangunahing alituntunin: pamamahalang pataas (ang kapangyarihan ay nasa pinakamababang antas ng awtoridad), pagkakapantay-pantay sa pulitika, at pamantayang panlipunan kung saan isinaalang-alang ng mga indibidwal at institusyon ang mga kaayaayang gawa na sumasalamin sa unang ikalawang alituntunin ng pamamahalang pataas at pagkakapantay-pantay sa pulitika.[18]

Paminsan-minsan, ginagamit ang katagang "demokrasya" bilang palayaw para sa demokrasyang liberal, na isang uri ng kinatawang demokrasya na maaaring maglakip ng mga elemento tulad ng pluralismong pampulitika; pagkakapantay-pantay sa harap ng batas; karapatang magpetisyon sa mga nahalal na opisyal para sa paglulunas ng mga hinaing; kaukulang proseso; kalayaang sibil; karapatang pantao; at mga elemento ng lipunang pambayan sa labas ng pamahalaan.[kailangan ng sanggunian] Ikinakatuwiran ni Roger Scruton na ang demokrasya sa ganang sarili ay hindi makakapagbigay ng kalayaang personal at pulitikal maliban kung naroon din ang mga institusyon ng lipunang pambayan.[19]

Sa mga ilang bansa, tulad ng Reyno Unido kung saan nagmula ang sistemang Westminster, ang nangingibabaw na alituntunin ay yaong sa soberanya ng parlamento, habang pinapanatili ang kalayaang hudisyal.[20][21] Sa Estados Unidos, kadalasang sinisipi ang paghihiwalay ng mga kapangyarihan bilang isang sentrong katangian. Sa Indiya, napasasailalim ang soberanya ng parlamento sa Saligang Batas ng Indiya na kinabibilangan ng pagsusuring hudisyal.[22] Bagaman karaniwang ginagamit ang katagang "demokrasya" sa konteksto ng isang estadong pulitikal, maaaring ikapit ang mga alituntunin nito sa mga pribadong organisasyon.

Similar questions