bakit sya tinawag na ama ng wikang pambansa
Answers
Answer:
Si Manuel Quezon ay isang masigla at masipag na lider. Anumang gawaing ninanais
niya ay isinasakatuparan niya agad. Ayaw niya na may masayang na panahon dahil naniniwala
siya na ang oras ay ginto. Mahalaga ang bawat sandali kaya't hindi niya ito inaaksaya. Ayon sa
kaniya, ang magagawa ngayon ay hindi na dapat ipagpabukas pa.
Naging kawal siya noong panahon ng himagsikan. Naging gobernador din siya, at
matapos nito ay naging senador. Naging kinatawan pa siya ng Pilipinas sa Washington, United
States of America. Si Quezon ay mahusay sa batas dahil siya ay isang abogado. Di nagtagal,
siya ay naging pangulo ng Senado ng Pilipinas at nahalal na pangulo ng Commonuealth o ng
Malasariling Pamahalaan noon.
Sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng Katarungang Panlipunan, binigyan niya ng
pantay na pagpapahalaga ang mahihirap at mayayaman. Si Quezon din ang nagpasimula sa
pagkakaroon natin ng pambansang wika. Kung hindi dahil sa kaniya, walang isang wika na
magbubuklod sa lahat ng Pilipino. Dahil dito, siya ay tinawag na "Ama ng Wikang Pambansa."
Explanation:
thank you