Gumawa ng Tula ( 4 taludtod at 5 saknong) tungkol sa tema ng Buwan ng Wika 2020
Answers
Answer:
Nabanggit ni Fray Ignacio Francico Alcina (1668) ang ambáhan bilang isa sa mga sinaunang anyo ng pagtula ng mga Bisaya. Walang dagdag na impormasyon si Alcina. Ngunit naging popular ngayon ang ambáhan dahil kay Antoon Postma at sa kaniyang saliksik sa buhay at kultura ng Hanunoo Mangyan sa Mindoro. Naglabas pa ng isang aklat na koleksiyon ng mga tulang Mangyan si Postma (muling nalathala 1981). Alinsunod sa paliwanag at mga halimbawang tula, ang ambáhan ay isang katutubong anyo ng pagtula ng mga Hanunoo Mangyan at may sukat na pipituhin ang bawat taludtod. Regular ding may tugma ang bawat dalawang magkasunod na taludtod, bagaman walang tiyak na bilang ng taludtod ang bawat magkakatugmang mga taludtod. Wala ding tiyak na bilang ng mga taludtod. May ambáhang tatlo lámang taludtod ngunit may ambáhang umaabot sa 20 taludtod. Binibigkas/inaawit ang tula para sa isang okasyon, mula sa ganitong halimbawa sa mapagbirong pag-aalaga ng batà:
Kaw danga maglumi
Kita madnugan kuti
Kuti gin sa siyangi
Mag-ingaw magyangyangi
Kita ud may ibawi
Kantam bangkaw nabari
Kita utak nalumbi.Huwag ka ngang umiyak
Bakâ magising ang pusa
Pusang mula pa sa siyangi
Ngumiyaw at mag-ingay
Wala kitang pambugaw
Sibat natin ay nabali
Itak natin ay nabingaw.
Hanggang pangingibig, pagtatrabaho, at paglalarawan ng kanilang daigdig. Hitik ito sa talinghaga, gaya ng sumusunod:
Tigday na nawa naw-an
Tigdayan sa daramgan
Bag-o tigday sa kaywan
Siyan nga panmanlangan
Sa kiling sa kawayan.Ang tabak kung bago pa
Ikiskis sa hasaan
Itaga sa kakahuyan
At sakâ ito subukan
Sa pagkayas ng kawayan.
Tula ito hinggil sa edukasyon ng kabataan. Inihambing sa tabak ang mga karanasang kailangang matutuhan at pagdaanan ng kabataan upang higit na maging kapaki-pakinabang sa lipunan.
Explanation:
Answer:
mahal kita
Explanation:
sorry kailangan ko din itong sagot