Ipaliwanag ang iyong pagkaunawa sa mga nakatala sa ibaba:
1. Ang pagpupunyagi, pag-iipon at kasipagan ay nagdadala ng magandang kapalaran.
2. Ang kasipagan, pagpupunyagi at pag-iimpok ay puhunan upang makaahon sa kahirapan.
Answers
Explanation:
Kasipagan, pagpupunyagi,pagtitipid at wastong pamamahala sa pag iimpok
1. KASIPAGAN • Tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad. • Ito ay tumutulong sa tao na malinang ang iba pang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili, mahabang pasensya, katapatan, integridad, disiplina at kahusayan na kung saan malaki ang maitutulong nito sa tao sa kaniyang relasyon sa kaniyang gawain, sa kaniyang kapwa at sa kaniyang lipunan. • tumutulong sa isang tao upang mapaunlad niya ang kanyang pagkatao. Nagagamit niya ito sa mabuting pakikipagrelasyon niya sa kaniyang kapwa at mula sa kasipagan na taglay niya ay makatutulong siya na mapaunlad ang bansa at lipunan na kaniyang kinabibilangan.
2. 1. NAGBIBIGAY NG BUONG KAKAYAHAN SA PAGGAWA. • Ang taong masipag ay hindi nagmamadali sa kaniyang ginagawa. Sinisiguro niya na magiging maayos ang kalalabasan ng kaniyang gawain. Hindi siya nagpapabaya, ibinibigay niya ang kaniyang buong kakayahan, lakas at panahon upang matapos niya ito ng buong husay.