History, asked by crixylynson, 6 months ago

ito ay tinatawag na supercontinent '' A. pulo B. kontinente C.pangea D. mundo

Answers

Answered by BrainliestCc
5

Ang tawag sa supercontinent na pinagmulan ng Pilipinas ay Pangaea. Sinasabing ito ay umiral noong panahon ng Paleozoic at Mesozoic, at ito ay pinangunahan ni Alfred Wegener noong 1912. Ayon kay Wegener, mayroon lang nag-iisang kontinente na tinatawag ay Pangaea. Ito ay pinalilibutan ng malawak na karagatan, ngunit naghiwa-hiwalay at naging iba't-ibang kontinente at mga isla-- kasama na rito ang Pilipinas. Ang paghiwa-hiwalay ng Pangaea ay tinatawag na Continental Drift Theory.

Basahin sa link na ito ang iba pang impormasyon tungkol sa Pangaea: brainly.ph/question/1576358

Sino si Alfred Wegener?

Si Alfred Wegener ay isang German meteorologist, geophysicist, at guro sa University of Graz. Si Wegener ay naging interesado sa mga kontinente dahil sa pagsaliksik ng pagkahalintulad ng mga baybayin sa South America at Western Africa. Dahil dito, sinimulan ni Wegener ang Continental Drift Theory na isa sa mga importanteng pag-aaral sa heolohiya.

Pinag-aralan rin ni Wegener ang mga fossils, rock formations, halaman sa mga sinasabing lupang dati'y magkalapit noong ito pa ay isang supercontinent. Isinulat ni Wegener ang kanyang mga nadiskubre sa librong "The Origin of Continents and Oceans" ngunit tinanggihan ng karamihan ng mga geologists ang kanyang teorya. Ang teorya ni Wegener ay naging ganap lamang noong lumawak na ang pag-aaral sa heolohiya. Dahil dito, ang Continental Drift Theory at ang konsepto ng Pangaea ay naging importanteng parte na ng heolohiya.

Alamin nang mas malawak kung sino si Alfred Wegener sa link na ito: brainly.ph/question/1639527

Ano ang Continental Drift Theory?

Ang Continental Drift Theory ay isang teoryang sinimulan ni Alfred Wegener na nagsasabi kung paano nagkahiwa-hiwalay ang parte ng supercontinent na Pangaea. Pinag-aralan at sinubukang pagtagpi-tagpiin ang mga lupa sa mapa upang patunayan na nagmumula ito sa nag-iisang supercontinent. Sinuportahan ni Wegener ang kanyang teorya gamit ang:

Jigsaw Fit

Geological Fit

Tectonic Fit

Glacial Deposits

Fossil Evidence

Iba pang paliwanag ng Continental Drift Theory: brainly.ph/question/887072

Similar questions