ito ay tubo o kanal na nagdadala ng tubig Mula sa isang pinagkukunan
Answers
Answer:
Aqueduct
Aqueduct ang tawag ng mga Romano sa mga istrukturang itinatayo sa mga pinagkukunan ng tubig upang madala ito sa mga pamayanan. Ang mga aqueduct ay isang mahabang network ng mga arkong pinagdikit-dikit, at kalimitan ay pababa ang mga ito mula sa mga kabundukan kung saan nanggagaling ang malinis na tubig.
Explanation:
Sa modernong panahon, mayroon pa ring mga aqueduct, ngunit naisama na sa sistemang ito ang mga tubo, kanal, tunnel, at iba pang mga istruktura. Malaki ang pakinabang ng mga tao sa mga aqueduct sapagkat nakakapagdala ito ng tubig kahit sa mga pamayanan na matatagpuan sa looban ng isang kalupaan. Kahit walang mga ilog o lawa sa isang lugar ay magkakaroon pa rin sila ng access sa malinis na tubig dahil sa tulong ng mga aqueduct
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa sibilisasyong Romano, bisitahin lamang ang link na ito:
https://brainly.ph/question/2172244
#BrainlyEveryday