May mga taong nakagawa ng kabayanihan para sa ating bansa. Sila ay nagdaan sa hirap at nagsakripisyo dahil sa kanilang pagmamahal sa ating kalayaan. Ang ilan sa kanila ay nagbuwis pa ng sariling buhay. Kilala mo ba sila?
Answers
Answer:
Explanation:
Jose Rizal - Nakipaglaban sa mga Kastila sa pamamagitan ng pagsulat ng mga nobela tulad ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Andres Bonifacio - Siya ang nagtatag ng KKK na nagsilbing lipunan na nakatuon sa pakikipaglaban sa mga Espanyol na nagnanais sumakop ng Pilipinas.
Heneral Antonio Luna - Siya naman ang tinuturing na pinakamatapang at pinakamagaling na heneral noong rebolusyonaryo.
Apolinario Mabini - Siya ang kinikilalang Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusyon. Isa rin siya sa bumuhay ng La Liga Filipina.
Emilio Aguinaldo - Siya ang namuno sa pwersa laban sa Espanya at sa Estados Unidos.
Gregorio del Pilar - Isa siya sa pinakabatang heneral ng rebolusyon. Siya ang umatake sa mga kwartel ng mga Espanyol.
Melchora Aquino - Siya ay kilala bilang Tandang Sora dahil sa kanyang edad. Tinagurian din siyang Ina ng Himagsikan, Ina ng Balintawak at Ina ng Katipunan. Siya ang tumulong sa paggagamot sa mga sundalong sugatan.
Marcela Agoncillo - Siya ang nagtahi ng watawat ng Pilipinas.
Trinidad Tecson - Siya ang tinaguriang Ina ng Biak na Bato. Siya ay lumaban sa Bulacan at tumulong din sa paggamot ng may sakit.
Teresa Magbanua - Siya ang nakipaglaban sa mga Kastila sa rebolusyon sa Iloilo.
Gregoria de Jesus - Siya ang Lakambini ng Katipunan. Siya ang naging tagapangalaga ng mga dokumento.