History, asked by hope29, 6 months ago

nang mabulgar ang samahang katipunan dahil sa pagaumbong ni teodoro patiño sa kapatid nitong babae, ito ang naging daan ng mga espanyol na lusubin at dakpin ang mga mitembro nito. ano ang naging hakbang ng iba pang katipunero sa pagmumuno ni Andres Bonifacio?

A. sila ay humingi ng tulong sa mga alagad ng batas upang sugpuin ang mga Espanyol
B. sila ay nagkumpulan at nag inuman lamang upang makalimtan amg mabigat na suliranin sa lipunan
C. sila ay mag nag tipon2x upang simulan ang pagdiwag ng araw ng pagkasilang ni Andres Bonifacio
D. sila ay nag tipon2x at pinag usapan ang hakbang sa pakikipaghimagsik laban sa mga espanyol​

choose a letter please
thanks​

Answers

Answered by arriesgadokeenanjosh
1

Answer:

D.

Explanation:

Bunga ng alitan sa kapwa katipunero na si Apolonio Cruz tungkol sa promosyon sa tanggapan ng Diario de Manila, sinabi ni Teodoro Patiño sa kanyang kapatid na babae na si Honoria Patiño ang tungkol sa samahan. Pinakiusapan niya iyong umuwi na sa kanilang lalawigan sa Visayas upang makaligtas sa gulo rito. Naikwento ng babae ang lahat ng sinabi ng kapatid kay Madre Sor Teresa de Jesus na siya namang nagkwento kay Padre Mariano Gil, ang kura paroko ng Tondo. Pinilit ng madre si Patiño na isiwalat ang lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa plano ng Katipunan.

Noong Agosto 19,1896 sa ganap na ika-6 ng gabi, ikinumpisal ni Teodoro ang lihim kay Padre Mariano Gil.

Sumalakay sa talyer si Padre Mariano Gil kasama ng gwardya sibil at sa kanilang paghahalughog ay natuklasan ang mga katibayang sinabi ni Patiño. Dahil dito, natuklasan ang lihim ng Katipunan.

Sa pagkakatuklas na ito, marami sa mga Pilipino ang naaresto at napagbintangang kasapi ng samahan. Pinulong ni Andres Bonifacio ang mga katipunero sa Balintawak. Pagkatapos nilang magpulong, nagpunta sila sa Pugad Lawin noong Agosto 23,1896 at doon ay napagkasunduan nilang ituloy ang rebolusyon. Isinigaw nila ang mga katagang ''Ligtas na tayo sa pagkaalipin! Mabuhay ang Katagalugan!" matapos punitin ang kanilang mga sedula.

Dito nagsimula ang himagsikan sa Pilipinas.

Sumalakay ang mga katipunero noong Agosto 30,1896 sa San Juan del Monte sa bodega ng pulbura ng mga Kastila.

Dahil sa kakulangan ng armas, natalo ng mga Kastila ang mga katipunero. Sanhi nito, maraming mga Pilipino ang namatay.

Isinailalim ni Hen. Ramon Blanco sa batas militar ang walong lalawigang nasa estado ng pakikidigma. Ang mga lalawigang ito ay ang BULACAN, Cavite, Pampanga, Maynila, Nueva Ecija, Laguna, Tarlac at Batangas.

Nagkaroon ng labanan sa iba't ibang pook ng bansa. Nagalit ang mga Kastila at gumawa ng marahas na hakbang. Marami sa mga kababayan natin ang pinahirapan,ikinulong sa Fort Santiago at pinatay. Kaya't hindi nawala ang galit ng mga pilipino sa mga Kastila at patuloy silang nakipaglaban.

Similar questions