History, asked by Ayumi12345, 1 year ago

Paano mapapabilis ang pagtuturo ng mga guro

Answers

Answered by kpopgirl63
1

Answer:

which language is this........

Answered by mihirsingh994
4

Answer:

MAGING MODELO. Hinihikayat ng mga eksperto na maging modelo ang mga guro sa pagsasalita ng Filipino. Kuha ni Joel Leporada/Rappler

PANGASINAN, Pilipinas – Sa pagbubukas ng Buwan ng Wika ngayong Agosto, hinikayat ng mga eksperto ang lahat ng guro na gawing malikhain at kasiya-siya ang pagtuturo ng Filipino sa mga kabataan.

"Kailangang mas masaya ang pagtuturo ng Filipino ngayon. Bakit kailangang boring ang Filipino? Kailangan tayong tumuklas ng malikhaing paraan ng pagtuturo pa ng Filipino,” hamon ni Jimmy Fong, Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong Miyerkules, Agosto 5 – ang unang araw ng Pambansang Kongreso sa Pagpaplanong Wika.

Mga 79 taon na rin ang nakalipas nang huling magkaroon ng pagpaplanong pangwika sa bansa. Ngayong taon, idinaos ang kongreso sa Lingayen, Pangasinan.

Kagaya ni Fong na idiniing tuluy-tuloy dapat ang eksperimento sa pagtuturo ng Filipino, sinabi ni Ruth Mabanglo – isang propesor ng Filipino sa University of Hawaii – na kailangang nasa konteksto ang pagtuturo.

Ibig sabihin, dapat isinasaalang-alang ang wikang higit na ginagamit ng bata sa bahay, sa paaralan, at sa komunidad. 'Ika ni Mabanglo, kailangang bigyang pansin ang mga awtentikong kagamitan sa pagtuturo ng wika, tulad ng mga soap operas at mga diyaryo.

"Ang (effectiveness) nun, hindi siya yung ginagawa nung mga textbook writer na yun na kaagad, wala ka nang ibang choice. Ito, marami kang choices, tapos realistic kasi it was not meant for teaching, it was meant para paunlarin ang utak ng mga nagsasalita ng language," ani Mabanglo.

Pero paano nga ba malalaman kung matagumpay ang guro sa pagtuturo ng Filipino?

Sabi ni Fong, masusukat ang tagumpay sa kung paano napatutunog ng bata ang mga alpabetong Filipino, lalo na ang mga sumusunod

Similar questions