History, asked by gonnbrianhipolito, 3 months ago

pagmasdan ang larawan ng bulkang taal i miss you na tatlong pagpili at dalawang pang-abay na naglalarawan sa bulkan at gamitin ito sa pangungusap aari ng ugnay sa iyong mga pangungusap ang sariling karanasan ng bola ng sumabog ito hanggang sa kasalukuyang kalagayan nito ​

Answers

Answered by sakshisn
30

Dalawang punto ang tatalakayin ng editoryal na ito: Una, paano naghanda ang mga LGU? At pangalawa, anong prayoridad ang ibinigay ng gobyernong Duterte sa mga disaster?

Sa pagputok ng Taal, inaasahang 40,800 ang mawawalan ng tirahan sa Batangas at Cavite habang halos 300,000 ang maaapektuhan kapag nangyari ang “imminent hazardous explosion” o ang malaking pagsabog.

Nagbida nga ang Pangulong Rodrigo Duterte at idineklarang No Man's Land ang Taal Volcano Island. Sa totoo lang, ang huli, kahit magaling, hindi na maihahabol.

Nakatira sa isla ang 4,000 na matagal nang pinagbalakang ilikas pero hindi natupad-tupad. Aminadong hindi simple ang isyu ng pagre-relocate sa kanila. Malaking kabuhayan ang turismo at pagsasaka sa paligid ng bulkan habang mahalagang pinagkukunan ng isda ang lawa. Ubod nang ganda ang tanawin ng Taal – dahil dito, buhay na buhay ang komersyo sa Tagaytay.

Kung ililikas nga ang mga taga-isla, dapat nakahanda ang isang engrandeng plano. Alam ng mga lokal na pamahalaang political suicide maglikas mula sa isla nang walang malinaw na plano, walang naitayong bahay para sa relokasyon, at walang pamalit na kabuhayan. Kaya’t ginawa nila ang isang bagay na napaka-Pinoy – ipinaubaya na lang kay Bathala ang lahat.

Sa katunayan, walang plano ang Calabarzon (mga probinsya ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon) – o kung meron man, hindi ito alam ng mga tao. Sa isang survey, sinabi ng 99.8% sa mga kabahayan na walang disaster management plan na partikular sa pagputok ng bulkan. Boom.

Answer:

plz give me thank

Similar questions