World Languages, asked by usbau, 4 months ago

Ano yung pang uri? ​

Answers

Answered by rakshanakeeran
2

Answer:

please tell me which language is this I will answer

Answered by rizzaregenio10
2

Answer:

Pang-uri

Ang pang-uri ay bahagi ng pananalita na ang ibig sabihin ay mga salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa pangngalan maging ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pook.

22 Halimbawa ng Pang-uri

masipag

maganda

pula

kalbo

mabango

palakaibigan

mahiyain

dilaw

bilog

maliit

malaki

malawak

parihaba

parisukat

marami

tatlo

kalahati

ika-pito  

pangalawa

sandaan

kaunti

dalawahan

Halimbawa ng pang-uri na ginamit sa pangungusap;

maganda

Maganda ang damit na nabili ni Nena.

masarap

Masarap ang niluto ni nanay na meryenda.

matalino

Si Ben ay isang matalinong bata sa aming klase.

mataas

Mataas ang puno ng niyog.

pulang-pula

Pulang-pula ang nabiling damit ni Stella.

mahiyain

Si Marta ay mahiyain dahil hindi siya sumasali sa paligsahan.

maliit

Maliit ang binigay na tinapay ni Luz sa pulubi.

masunurin

Si Cyrelle ay isang masunuring anak.

mataba

Si ate ay mataba dahil siya ay kain ng kain.

mapayat

Hindi kumakain ng gulay at prutas si Liza kaya siya mapayat.

malawak

Malawak ang aming silid-aralan.

malaki

Malaki ang nakuha niyang mangga sa puno.

kayumanggi

Kulay kayumanggi ang kanyang balat.

mabait

Si Bb. Cruz ay isang mabait na guro.

matipid

Palagi siyang may tirang baon si Myrna kaya siya ay matipid.

Similar questions