mag kuya alam nyo ba ito Noong ika-15 siglo nagsimula ang dakilang panahon ng eksplorasyon o paghahanap ng mga lugar na hindi pa nararating ng mga Europeo.Ang eksplorasyon ay nagbibigay daan sa KOLONYALISMO ito ay ang pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.
TATLONG BAGAY ANG ITINUTURING NA MOTIBO PARA SA KOLONYALISMONG DULOT NG EKSPLORASYON:
1.Paghahanap ng kayamanan: 2.Pagpapalaganap ng kristiyanismo at: 3.Paghahangad sa katanyagan at karangalan.
IMPERYALISMO-ay ang paghihimasok, pag-iimpluwensiya, o pagkontrol ng isang bansa sa isang mahinang bansa. Noong ika-15-17 siglo nagsimula ang unang yugto ng imperyalismo.Ito ay maaaring tuwiran o di-tuwirang pananakop.
Kung hindi sana sa pagiging mausisa ng Renaissance hindi maisasakatuparan ang paglalakbay ng Europeo sa malawak na karagatan noong ika-15 siglo,pagsuporta sa monarkiya sa mga manlalakbay, pagkakatuklas at pagpapaunlad sa mga instrumentong pangnabigasyon at sasakyang pandagat.Dahil dito nagkaroon ng matinding epekto ang eksplorasyon sa naging takbo ng kasaysayan ng daigdig. Sa kabuuan ang panahon ng eksplorasyon ay naging dahilan upang ang mga karagatan ay maging daan tungo sa pagpapalawak ng mga imperyong Europeo.
Answers
Answer:
i dont an answer but read this maybe this will help but it ok if this not the right thing im very sorry
Explanation:
Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pagtungo ng mga Kanluranin sa Asya • Maunlad ang Asya dahil patuloy na pinagyaman at pinagbuti ng mga Asyano ang mga ambag ng sinaunang kabihasnan na siyang nakatulong sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. • Masagana ang pamumuhay sa kontinente dahil sa mga likas na yamang matatagpuan dito.
3. • Nakatulong ito sa mga Asyano dahil dito sila kumukuha ng mga produktong kanilang ikinakalakal. • Nakarating ang mga produktong Asyano sa Europe sa pamamagitan ng kalakalan.
4. Mga Sinaunang Ruta ng Kalakalan • Hilagang Ruta – Peking (kasalukuyang Beijing) sa China – Mga disyerto sa Gitnang Asya – Samarkand at Bukhara sa Uzbekistan – Caspian Sea – Black Sea – Constantinople
5. • Gitnang Ruta – India – Strait of Hormuz – Persian Gulf – Antioch, Aleppo, at Damascus sa Turkey
6. • Timig na Ruta – India – Indian Ocean – Arabian Peninsula – Red Sea – Cairo o Alexandria sa Egypt
7. • Noong una ay dumaraan lamang sa mga sinaunang ruta ang mga Asyano patungo sa Europe. • Hinangad ng mga Kanluranin na marating ang iba pang lupain sa Asya.
8. Mga Pangyayaring Nagbunsod sa Pagtungo ng mga Kanluranin sa Asya • Paglulunsad ng Krusada • Paglalakbay ni Marco Polo • Paghahanap ng Bagong Rutang Pangkalakalan • Panahon ng Paggalugad at Pagtuklas • Paniniwala sa Merkantilismo
9. Paglulunsad ng mga Krusada • Inilunsad mula 1096 hanggang 1273 dahil sa pananawagan ni Pope Urban II sa mga Kristiyanong kabalyero. • Layunin na mabawi ang Jerusalem, ang banal na lupain ng mga Kristiyano, na nasakop ng mga Muslim. • Sa paglalakabay sa Asya, nakita nila ang karangyaan at kagandahan ng kontinente.
10. • Ang kanilang mga kada tungkol sa Asya ay nakarating sa Europe. • Nahikayat ang mga Europeo na maglakbay a Asya.
11. Paglalakabay ni Marco Polo • Si MARCO POLO, anak ni Niccolo, isang mangangalakal mula sa Venice Italy. • 1620 – naglakabay ang mag-ama kasama si Matteo, kapatis ni Niccolo, patungo sa Silangan. • 1265 – narating nila ang China na noon ay pinamumunuan ni Kublai Khan ng Imperyong Mongol.
12. • Naging magkaibigan sina Marco Polo at Kublai Khan. • Binigyan ng pagkakataon si Marco Polo na maglinkod sa pamahalaan. • Nasaksihan niya ang karangyaan at kagandahan ng kabihasnang Tsino. • Namangha siya sa kultura, mga gawaing pangrelihiyon, at masaganang likas na yaman ng bansa.
13. • Nagbalik sa Europe noong 1295. • Nang sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Venice at Genoa noong 1298, nagtungo sila sa Venice upang harapin ang mga kaaway. • Nabihag at ikinulong ng mga taga-Genoa si Marco Polo. • Habang nasa kulungan, ikinuwento niya ang kaniyang mga paglalakbay sa kapuwa niya bilanggong si Rustichello.
14. • Makalipas ang ilang taon ay inilathala ang aklat na pinamagatang The Travels of Marco Polo. • Tungkol ito sa kagandahan at karangyaan ng China at iba pang lugar sa Asya na narating ni Marco Polo. • Nahikayat ang mga Europeo na maglakbay patungo sa Asya upang mapatunayan kung totoo ang mga inilahad ni Marco Polo.
15. Paghahanap ng Bagong Rutang Pangkalakalan • Naging tanyag sa Europa ang mga prokduktong Asyano tulad ng mga pampalasa, seda, at mga mamahaling bato tulad ng ginto, diyamante, at ruby. • Mataas din ang pangangailangan sa asin dahil ginagamait ito bilang pampreserba ng pagkain. • Nasakop ng mga Seljuk Turk ang malakong bahagi ng silangang rehiyon ng Mediterranean, kabilang ang Constantinople.
16. • Nakontrol nila ang mga rutang pangkalakalan mula sa Asya patungo sa Europe.
17. Mga Pangyayaring Bunsod ng Pagkontrol ng mga Seljuk Turk sa Constantinople • Monopolyo ng mga Italian – Isinara ng mga Seljuk Turk ang mga sinaunang rutang pangkalakalan. Halos nahinto ang malayang kalakalan sa pagitan ng Asya at Europe. Tanging ang mga mangangalakal sa ilang lungsod- estado sa Italy ang pinahintulutang makipagkalakalan sa mga Seljuk Turk. Ang mga mangangalakal mula sa Venice, Genoa, at Florence ay pinahintulutang mamili sa mga daungang konrolado ng mga Seljuk Turk.
18. • Pagtaas ng Presyo ng mga Bilihin – Bunga ng mga monopolyong Italian, lubhang tumaas ang presyo ng mga bilihin sa Europe. Ang mga mangangalakal mula sa Italy ang nagdala ng mga produktong Asyano mula sa Constantinople at iba pang sentro ng kalakalan patungo sa Portugal, Spain, France, Netherlands, at England. Dahil walang kakompetensiya at sa mataas na pangangailangan ng mga Europeo, ipinagbili ng mga Italian ang mga produktong Asyano sa mas mataas na halaga.
19. • Paghahanap ng Bagong Ruta – Ninais ng iba pang bansa sa Europe na masira ang monopolyo ng mga Italian. Hindi nila nagustuhan ang patuloy na pakikinabang ng Italy dahil sa ugnayn nito sa mga Seljuk Turk. Bunga nito naghangad ang Portugal, Spain, England, France, at Netherlands ng ibang ruta patungo sa India at China. Sa ganitong paraan, maiiwasan nila ang mga Seljuk Turk at tuwirang mabibili ang mga produktong Asyano sa mas mababang halaga.
Answer:
God is Good
Explanation:
All the Time